413

Oct 31, 2017 @ 13:35

‘Gabi ng Lagim’ ni Jessica Soho nagdulot ng kilabot sa netizens

Siksik na siksik ang TV programs nu’ng Sunday para sa kanilang Halloween specials. Comedy ang naganap sa Sunday Pinasaya, All-Star Videoke at Bossing and Ai ng Kapuso Network last Sunday.

Pero ‘yung presentation ng Kapuso Mo Jessica Soho na #KMJSGabiNgLagimV ang may hatid na takot sa segments na ipinalabas.

Nakakatayo ng balahibo ang segments na Bisita tungkol sa isang lola na dumalo sa kasal ng mahal na apo sa simbahan at ‘yung Jun-Jun, ang batang nagmumulto umano sa mga call center.

Kumpleto kasi ang research ng programa. Sinaliksik nila kung sino ‘yung lola na ‘yon pati na ‘yung batang si Jun-Jun na may recorded voice pa umano ng pagsingit sa tawag ng isang agent sa client.

Ipinakita rin sa episode na maging ang staff ng programa habang ginagawa ang Bisita segment ay minulto rin, huh! May nakasingit na kamay sa balikat ng isang staff!

No wonder, hanggang kahapon ay trending ang hashtag na #KMJSGabiNgLagimV.

Umani naman ng papuri sa mga netizens ang episode na ‘yon ng KMJS.

“Raising my two hands to the production staff of #KMJSLagimV. You guys are bravest human for tonight’s episode. Haha okay bye.” – @itsivymorilla.

“Guys. Let’s all be honest here. No magazine show can beat Kapuso Mo Jessica Soho.” – @yoohyunjae.

“The best talaga gumawa ng Halloween Special ang show ni Ms. Jessica Soho. That’s why I love this show so much.” – @_itsmeCJ04.

“Can we give KMJS an RT to appreciate their efforts in producing these segments? Lodi petmalu eh!!!! Handsoff.” – @MathMathh12.

Isang paalala naman ang komento ni @reasalise – “The best part is when we are reminded that Someone greater covers us all and His name is Jesus.”

Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Kapuso Mo, Jessica Soho for a job well done!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?