409

By

Gabby kinasuhan ng kapatid dahil sa lupa

Nahaharap sa kasong falsification of public documents si actor Gabby Concepcion o Gabriel Arellano Concepcion sa totoong buhay.

Ito’y matapos siyang kasuhan ng nakababatang kapatid na si Miguel Concepcion dahil sa umano’y anomalya sa pagbebenta ni Gabby sa 890 ektaryang lote ng kanilang ina sa San Juan City.

Ayon sa abogado ni Miguel na si Tyrone Cimafranca sa Manila Bulletin report, hindi umano maaaring ibenta ni Maria Lourdes Concepcion Arellano ang ng lupa na nasa No. 3736 P. Guevarra St., Barangay Addition Hills sa halagang P4.45 milyon dahil nasa ibang bansa ito nang mainotaryo ito.

Ginamit na ebidensiya nina Miguel sa Criminal Investigation and Detective Group-National Capital Region ang mga kopya ng passport ni Mrs. Concepcion na nagpapakita ng departure at arrival nito.

Ang signatories din daw sa deed of sale ay residente ng San Juan ngunit naipa-notaryo ito sa Tagaytay City at ang dalawa umanong nagnotaryo ay hindi nakatala sa Integrated Bar of the Philippines.

Nalaman lang umano ni Miguel na nailipat na ang ownership ng lupa nang magbalik siya sa bansa matapos magretiro sa Amerika.

Kasalukuyan umanong nirerentahan ng isang eskuwelahan ang naturang lote at gusali.

Palagi umano niyang kinokontak si Gabby pero hindi ito sumasagot kaya gumawa na siya ng aksiyon para maitama ang pagkakamali nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?