170
ABANTE direk maryo ig showbiz
Jan 29, 2018 @ 9:33
By

Gabby Eigenmann, Iza Calzado, Ara Mina sinariwa ang mga alaala kay Direk Maryo

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos nang mga condolence messages at tribute nang ilan pang mga artistang nakatrabaho o nakakakilala kay direk Maryo J. De Los Reyes.

Nagposte ng wacky selfie photo nya si Gabby Eigenmann kasama si direk Maryo sa Instagram account nya.

@gabbyeigenmann, “Direk Maryo, you are one of my fav directors that I look up to..no words can express how I am deeply saddened with your sudden passing. I just want to say THANK YOU for the opportunities that you have given me and making me realize the importance of our job, our craft, You will truly be missed (esp your infectious laughter hihihihi) Love you with all my heart DIREK please share the best days we had with my dad.”

Kuha naman sa nakaraang birthday party ni direk Maryo ang larawang pinoste ni Iza Calzado sa kanyang Instagram wall. Kasama sa photo ang celebrant, si Lovi Poe at ang manager ni Iza na si Noel Ferrer.

Ikinuwento ni Iza sa caption ng photo kung paano ina-arte muna ni direk Maryo ang kukunang eksena to the point na umiiyak na ito sa pagi-explain ng eksena.

@missizacalzado, “woke up to some very sad news today. One of my favorite people in the industry has passed on. He was my director for a show called ‘Impostora’ where he guided me and made sure I would give my best. I remember how he loved acting out the scenes and would really get emotional while explaining the scene, a clear sign of his passion for his work. He was my dad’s good friend.

“This photo was taken during his birthday party last October at Pepeton’s. I’m really glad that I got to celebrate with him one last time. Honored and grateful to call you a mentor and friend. I will miss you Direk maryo. Send my love to tito, Jake (Tordesillas) and Daddy please.”
Solo photo ni direk Maryo ang pinoste ni Ara Mina sa kanyang IG at nagpasalamat ito sa pagkakataong nakatrabaho nya ito.

@therealaramina, “RIP Direk Maryo. Isa po kayo sa unang nagtiwala sakin. Isa ko sa mga masuwerteng artista dahil nakatrabaho po kita. Di man tayo lagi nagkikita pero sa tuwing magkikita tayo lagi po tayong masaya mamimiss ko yung tawa mo direk at syempre, ikaw. Marami po kong natutunan sa inyo bilang artista, You’re one of the best direk. We will miss you.”

Ayon kay Ara sa seryeng “Dapat Ka Bang Mahalin” sila nagkatrabaho ni Maryo kung saan ito ang direktor ng show. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?