602

Dec 6, 2017 @ 12:54
By

Gabby Concepcion sarap na sarap sa ‘ipinatikim’ ni Janice de Belen

NAALIW kaming makita ang feed ni Gabby Concepcion sa kanyang Instagram account.

Although super-long ago na nang maging sila ni Janice de Belen, pero dito mo talaga makikita na kasabay ng panahon at pagma-mature, nauuwi rin sa pagiging magkaibigan na ang dating magkarelasyon na nagkahiwalay.

Pareho pa ng manager sina Gabby at Janice who’s both managed by Popoy Caritativo. Na I’m sure, hindi naman ide-deny ni Popoy na naging fan din noon ng loveteam ng dalawa.

Anyway, pinost at pino-promote ni Gabby ang bite sized cupcakes ni Janice na siguro naman, pinadalhan at pinatikman siya ni Janice ng na-bake nito para sa kanyang

@kitchenofsuperjanice na ang review ni Gabby ay “sooo good!!! Sakto lang!”

Nagpasalamat naman si Janice sa post na ‘yun ni Gabby at doon namin nalaman na ang wife pala ni Gabby ang dumaan sa naging food booth nito at bumili raw. Sey kasi ni Janice, “Please thank your wife for dropping buy and buying a lot.”

Sa isang banda, nakalagay rin sa IG post ni Gabby na, “Kapit lang! Malapit na ang mga eksenang pag gigilan” patungkol sa kanilang one year afternoon prime na Ika-6 Na Utos.

Saktong kahapon, nag-celebrate ng one year anniversary still, consistent top-rater series na ito nina Gabby, Ryza Cenon, Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?