146

Aug 15, 2019 @ 14:01

Gabbi, TNC Predator nasungkit ang 1st win sa 2019 TI

RP

Giniba ng Pinoy eSports team na TNC Predator ang kanilang unang nakatunggali sa The International 2019.

Sa unang sultada ng TNC kontra Keen Gaming, nakaiskor agad ng dalawang sunod na panalo ang Pinoy crew.

Sa first game, lamang ng 18 kills ang TNC, maging sa gold ay tinambakan ng mga Pinoy ang Chinese team.

Sumunod ang tagumpay sa ikalawang laro sa best of 2 series, mas naging competitive ang laro ngunit nakalusot pa rin ang TNC.

Nakasalang na rin para sa Predator so Carlo ‘Kuku’ Palad na naging kontrobersyal dahil sa racist comment nito sa mga Chinese.

Sa dalawang laro, 17 kills, 15 deaths at 33 assists ang inambag ni Kuku.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?