59
abante-tnt-vismin-gabbi-garcia
By

Gabbi titillating, mapang-akit ang mukha

Sharing is caring!

Aabot na sa halos 80,000 ang likes sa pinost ni Gabbi Garcia sa kanyang IG kung saan nakabalandra ang kanyang long legs. Yup, para sa maraming netizens ay isang hot pic na ito lalo na at ang suot niyang gown ay meron ding pasilip ng konti sa korte ng kanyang katawan.

Mapang-akit ang posing na yun ng Kapuso actress, kaya marami ang nagtatanong kung magsi-shift na ba ang morena beauty sa pagiging isang sexy dramatic actress.

Ito rin daw ba ang resulta ng paghihiwalay nila ni Ruru Madrid?

Too early to judge, dahil yun ay isang posing lang naman na lumikha ng ingay sa socmed, pero in case ganun na nga ang pagiging path ni Gabbi, aba, maraming male specie ang matutuwa, noh!

Ayon nga kay @gabbilovers, “Pak! You nailed it.”

“Slaying ka always ate “ tsika naman ni lahvdebene.

Sabi naman ni @austindelvalle_, “got me weak.

At paghanga naman ni @chelfa_thebutcher_chef, “Love the legs. Can’t take my eyes and hands off you.”

May isa pang pic si Gabbi na ang drama naman ay pa-back shoulder na ang facial expression ay titillating din para sa iba pa niyang tagahanga.

Sa totoo lang, gandang Pinay talaga si Gabbi na pang-beauty queen ang dating.

Bongga, devah? Hindi kaya dahil sa pic na ito ay i-rekindle ni Ruru ang nawala nilang romantic side together?

Well…’wag lang mag-Gellie de Belen si KR, noh! Yun na!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: