42

Sep 16, 2020 @ 16:20

Gabbi nakasungkit ng Gold Play Button sa YouTube

Trending ang aktres na si Gabbi Garcia matapos umabot ang YouTube subscribers niya sa isang milyon.

Inulan siya ng pagbati mula sa kanyang mga fan.

Dahil dito, pinadalhan na siya ng YouTube ng Gold Play Button.

Ini-livestream ng aktres ang unboxing ng natanggap niyang award kasama ang boyfriend niyang si Khalil Ramos.

“We did it guys! My Gold Play Button award is finally here! Love you all,” sabi ni Gabbi sa Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?