17

Nov 18, 2021 @ 16:39
By

Gabbi, Khalil sawa na sa ‘Netflix and chill’

Matapos ang halos dalawang taong pananatili sa bahay at panonood ng movie sa Netflix, pinayagan na nga ang panonood sa mga sinehan.

Hindi naman maikakaila ang saya ng magkasintahang Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa kanilang movie date— hindi sa loob ng bahay kung hindi sa sinehan.

Sa Instagram post ni Gabbi, ipinakita nito sa kanilang fans ang larawan nila ng nobyong si Khalil na nakaupo sa sinehan.

“AT LAAAST!!! After 2 years!!! wooohooo!!!” caption nito sa kaniyang Instagram post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,