39

Sep 12, 2021 @ 11:09
By

Gabbi, Khalil ibinunyag sikreto sa long-lasting relationship

Ibinahagi ng celebrity couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang kanilang sikreto sa pagkakaroon ng matatg na relasyon.

Sa isang epiode ng kanilang podcast na “Figure It Out With Gabbi and Khalil,” ibinuking ng dalawa na magandang “friendship” ang secret ingredient nila sa magandang pagsasmahan.

“I think that’s the most important part: start off as friends,” ani Gabbi.

“That also explains why we’re very chill as a couple. We’re not as romantiko, as gigil talaga. We’re just very chill kasi from the very start we’re just chill,” dadag oa niya.

Anila, ito rin ang dahilan kung bakit wala silang isyung kinasasangkutan.

“People ask us, ‘How come you guys are so tagal na?’ Walang lumalabas na issues, walang lumalabas na blind item,’” anang aktres.

“I think it’s because we started off as best friends and until now we are best friends.” sey pa niya.

Taong 2018 nang magsimulang mag-date ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?