129
gabbi-garcia1
Aug 17, 2018 @ 20:50
By

Gabbi inulan ng bash nang magkamali sa ‘24 Oras’

Tila peyborit targetin ng pamba-bash ngayon ang young actress na si Gabbi Garcia.

Nakatikim na naman si Gabbi ng mga pamimintas matapos magkamali sa pagsasalita o mabulol sa showbiz segment ng “24 Oras” matapos niyang maging guest newscaster.

Inulan ng bash ang dalaga dahil sa pag-buckle at sa social media account ay may nag-post pa ng ilang minuto lang naman daw ang gagawin nitong pagbabalita ng showbiz chika ay hindi pa naitawid nang maayos.

Sagot naman dito ni Gabbi, tao lang daw siya na nagkakamali at hindi rin anya niya kagustuhan na mag-buckle.

Samantala, kasalukuyang busy si Gabbi sa bago niyang teleserye sa Siyete, ang “Pamilya Roces” kasama sina Jasmine Curtis-Smith, Mika dela Cruz, Carla Abellana at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?