56

Apr 20, 2021 @ 20:30

Gabbi Garcia umayuda sa community pantry

Isa si Gabbi Garcia sa mga umalalay sa pagtatayo ng community pantry sa Parañaque City.

Sa Instagram story ni Gabbi, makikita ang nilunsad na pantry na hitik sa gulay na maaaring kunin ng kahit sinong nangangailangan.

“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!” saad ng Kapuso actress.

“To all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?