273

Jan 26, 2018 @ 21:14
By

Gabbi Garcia may kidney infection

Pagkatapos ma­discharge sa ospital, lumipad patu­ngong Tokyo, Japan ang Kapuso star na si Gabbi Garcia para sa isang special project with the global makeup brand na Maybelline.

Nai-share na ni Gabbi ang magandang balita na mabuti na ang kalagayan niya sa pamamagitan ng Instagram Stories.

“Amidst the chaos #GarSee­YaLaterMNL #GigiXMaybellineInPH • @californiamaqui,” sabi niya.

Hindi nakarating sa press conference ng Sherlock Jr. si Gabbi dahil nagkaroon siya ng kidney infection. Papunta na raw siya sa venue ng presscon nang bigla siyang makaramdam ng matinding sakit sa likuran. Kaya sa ospital na sila dumiretso at dinala siya sa emergency room.

Ngayon ay mabuti na ang lagay ni Gabbi, binigyan na siya ng doctor ng permiso na bumiyahe.

Bukod sa Sherlock Jr. ay mapapanood pa si Gabbi sa #Goals sa GMA Oneline Exclusives.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?