518

Dec 4, 2021 @ 20:31
By

Gabbi Garcia makalaglag-panga sa black bikini

Pinaglagablab ni Gabbi Garcia ang kanyang mga Instagram follower sa pinakahuli niyang post ngayong Sabado, kung saan pinasilip niya ang kanyang kurbada suot ang black bikini.

Bagamat maganda ang karagatang nasa background ni Gabbi, mas litaw pa rin ang alindog nito at mapang-akit na kurbada.

“Gorgeous!!!!!!!!” komento ng kanyang kapwa aktres na si Kyline Alcantara.

Nitong Disyembre 2 lamang ay ipinagdiwang ni Gabbi ang kanyang ika-23 kaarawan.

Bukod kay Kyline, bumaha din ng mga komento mula sa ibang mga netizen na napa-wow sa katawan ni Gabbi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?