20

Jan 21, 2021 @ 20:01
By

Gabbi Garcia, Khalil Ramos naghahanap ng kukumpleto sa kanilang digital team

Naghahanap sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ng mga talented at “techy” na tao para kumumpleto sa kanilang creatives team.

Sa isang pribadong Facebook group na Independent Creative & Advertising Proffesionals, inanusyo ni Ramos na mayroon silang mga job offering kasama ang mga kwalipikasyon nito.

Ayon sa post, naghahanap ang Kapuso couple ng Production Manager, Content Writer/Scriptwriter at Video Editor.

Ani Ramos, isang “MAJOR plus” kung ang aplikante ay mahilig sa pagkain at pagbiyahe.

Aniya, mag-email lamang sa gabbiandkhalil@gmail.com kung may interes maging bahagi ng kanilang team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?