By

Gabbi Garcia deadma sa ‘Snobbish Queen’ title

Sharing is caring!

ISANG Kapuso star na recently ay naging biktima rin ng pangba-bash ng ilang fans ni Maine Mendoza ay si Gabbi Garcia. Ang dahilan? Kesyo inisnab daw ni Gabbi si Maine noong nakaraang Bench Underwear fashion show.

To the rescue rin naman agad si Maine sa pagsasabing walang isnaban na nangyari. Pero meron talagang kung ano ang nasa isip, kahit na tinama na, ‘yun pa rin talaga ang ipipilit.

Naaliw kami kay Gabbi na isa sa mga unang nag-comment din nang maglabas ng open letter si Maine at nag-reply ito ng ‘braveness’ kay Maine.

So, as we all know, very open si Gabbi na isa sa pangarap niya ay maging beauty queen pa rin. It’s just expected na isa si Gabbi sa nakiki-tweet para sa Miss Philippines na si Rachel

Peters at isa rin sa mga Pinoy na hindi makapaniwalang hindi na ito pumasok sa Top 5.

Ang isa sa tweet niya, “are u sure 🙁 #MsUniverse #Philippines 🙁 but Rachel was stunning:(

“Pero bongga ang pagkakasagot ni Gabbi sa basher niya. May nang-bash at nag-tag dito na ‘Snobbish Queen?’ Witty ang sagot ni Gabbi na, “mamaya na tayo mang-bash please ate. Masakit pa feelings ko sa Ms Universe.”

Ending, dami naaliw kay Gabbi at ‘yung netizen na nang-bash sa kanya, ‘yun naman ang binash at sinabihang mag-move-on na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?