14

Nov 18, 2021 @ 16:39
By

GAB wagi bilang Commission of the Year

Napanalunan ng Games and Amusements Board (GAB) ang Commission of the Year award mula sa ginaganap na 59th Convention ng World Boxing Council (WBC) sa Mexico City.

Nangibabaw ang GAB sa gitna ng 161 na bansa sa convention.

“This recognition is a fitting farewell and lasting legacy of President Rodrigo Duterte and the current Board,” pahayag ni GAB chairman Baham Mitra.

Gayundin, pinasalamatan ni Mitra ang WBC para sa naturang parangal.

Ito na ang ikalawang beses na nauwi ng GAB ang Commission of the Year award.

Napahanga umano ng GAB ang WBC sa mga programa at hakbanging isinagawa nito sa kalagitnaan ng pandemya.

Ilan sa mga programang ito ay pagbibigay tulong-pinansyal, libre medical check-up, pagtulong sa ligtas na pagsisimula ng mga sporting event at pagbili ng infrared CT-scan machine. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?