87

By

Gab Valenciano naaksidente sa motorcycle race

Naospital si singer and dancer Gab Valenciano matapos siyang maaksidente sa isang karera ng motorsiklo.

Sa kanyang Instagram Story, ikinuwento ni Valenciano ang nangyaring insidente.

“Another rider came out of nowhere and hit me from the rear, so I violently veered towards the barrier, flew across a 10 ft drop and finally was stopped by hitting a tree. BUT that’s racing and it happens. Sometimes even worse,” aniya.

Siniguro naman ni Valenciano sa kanyang followers na nagrerekober na siya pero naghihintay pa sa final assessment sa kanyang kondisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?