andre-ingram

G League’s Andre Ingram, bumida sa pagkatalo ng Lakers sa Rockets

Sharing is caring!

Natupad na ang pangarap ng 32-anyos na si Andre Ingram.

Matapos kasi ang sampung taon na paglalaro sa G League, nagkaroon na rin ng NBA deal si Ingram.

Nang tapikin na ng Los Angeles Lakers mula sa G League para sa huling dalawang laro sa regular season si Ingram, desperado na ang koponan dahil sa pagkawala nina Brandon Ingram, Lonzo Ball at Kyle Kuzma dahil sa injuries.

Hindi inaasahan, pumutok ang beterano ng G League.

Nagtala siya ng 19 points, 3 rebounds, 1 assist, 1 steal at 3 blocks kontra Houston Rockets.

Natalo man ang Los Angeles sa Rockets, 105-99, hindi ito ang naging paksa ng usapan kundi ang impresibong inilaro ni Ingram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?