197

Aug 28, 2019 @ 10:23
By

G-League veteran Dawson mangangalabaw sa Alaska

Sa pagpasok ni Jeff Cariaso bilang head coach ng Alaska, nagdesisyon ang Aces na bagong mukha rin ang ipaparada sa PBA Governors Cup.

‘Di na ang 36-anyos na si Mike Harris ang mangunguna sa kampanya ng Alaska.

Ayon sa sources, tinapik ng Aces si NBA G-League veteran Branden Dawson, 26, na produkto ng Michigan State Spartans.

Noong nakaraang taon ay giniyahan ni Harris ang Aces hanggang finals pero yumuko kay Romeo Travis at Magnolia.

Sa Facebook, kinumpirma ni Harris na ‘di siya babalik sa Alaska ngayong taon.

Mula 2011, apat na taong naglaro sa Spartans si Dawson.

Noong 2015 ay kinuha ng New Orleans si Dawson sa 56th pick, pinamigay agad sa LA Clippers pero sa G-League naglaro.

Binitawan ng Clippers, sinalo siya noong 2016 ng Orlando Magic pero nai-waive din at bumalik sa G-League.

Sumunod na taon ay naglaro ang 6-foot-5 guard para sa Hapoel Tel Aviv sa Israel.

Dumayo na rin siya ng Japan at Mexico.

Inaasahang darating si Dawson anumang araw ngayong linggo. Sa Sept. 20 sisiklab ang season-ending conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?