446

Jul 27, 2021 @ 18:40
By

Future First Lady? Jinkee Pacquiao binuska ng mga netizen

Kinuyog ng mga netizen si Jinkee Pacquiao dahil hindi alam ang itsura ng bandila ng Pilipinas.

Sa kanyang Instagram Stories ay binati ni Jinkee si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz sa pagbibigay sa Pilipinas ng una nitong gintong medalya sa Olympics.

Pero marami ang nakapansin na maling watawat emoji ang inilagay ng misis ni Manny Pacquiao sa IG post.

Makikita ang watawat na nahahawig sa Philippine flag pero baliktad kung saan nasa ibabaw ang kulay pula habang nasa ilalim ang asul.

Imbes bandila ng Pilipinas ay watawat pala ng bansang Sint Maarten, Netherlands ang nailagay ni Jinkee.

“Jinkee, kilala mo ba ang PH flag?” sabi ng netizen.

“Sa dami ng sinalihan ng laban ng asawa nya, hindi nya alam ang tamang watawat natin?” batikos pa ni ShennenDennenShendenen.

“Ano ba yan? Hindi pa nakakita ng Philippine flag si Jinkee?” sey naman ni Juliet S. Santos.

“Paano magiging First Lady yan kahit Philippine Flag di nya ata alam pag pula nasa itaas e nasa state of war tayo,” sabi ni Marichu C Tubalinal.

“Nangangarap maging first lady yan.. mag start sya na alamin ang hitsura ng flag ng Pilipinas,” sambit ni @iamkulasparov.

“Future first lady? Hahahaha,” react ni @MackinleyZamora.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?