9

Dec 10, 2020 @ 21:59
By

Fun run, marathon bawal pa – DILG

Binigyang-diin ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na mga non-contact sport lang na walang manonood ang pinapayagan ng Inter-Agency Task Force.

Sinabi iyon ni Malaya bilang tugon sa mga tanong kung pinapayagan na ba ang mga sporting event gaya ng fun run at marathon.

Aniya, “technically prohibited” ang mga fun run at marathon dahil sa pagkakaroon nito ng mass gathering.

Gayunman, sinabi ni Malaya na maaari namang maglakad-lakad, tumakbo o magbisikleta ang mga indibiduwal sa kondisyon na nakasunod sa pinatutupad na mga health safety protocol laban sa coronavirus. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?