39
fultz

Fultz ng 76ers, pinakabatang nagposte ng triple-double sa NBA

Sharing is caring!

Nanood lang mula sa bench sina Joel Embiid at JJ Redick habang walang puntos si Ben Simmons sa first half pero nanalo pa rin ang Philadelphia 76ers sa Milwaukee Bucks, 130-95.

Tuloy nagkaroon ng tsansa na makapaglaro ang mga batang gaya ni Markelle Fultz, na pumoste ng unang career triple-double niyang 13 points, 10 assists at 10 rebounds.

No.1 overall pick ang 19-anyos na si Fultz sa nakaraang draft at siya rin ang pinakabatang nagtala ng triple-double sa NBA history. Binasag ni Fultz ang record ni Lakers rookie Lonzo Ball na 20 years old noon.

Kakabalik lang ni Fultz mula sa injury sa balikat kaya’t hindi nakapaglaro sa Sixers ng 68 games ngayong season.

Nag-a-average siya ng 7.6 points, 4.6 assists at 3.4 rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?