198

By

Full trailer ng ‘Miss Granny’ ni Sarah Geronimo, patok sa netizens!

Sharing is caring!

Finally, the long wait is over! Ipalalabas na sa cinemas nationwide ang Pinoy version ng “Miss Granny” na pinagbibidahan ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Few days ago, inilabas na ng Viva Entertainment ang publicity photo ng movie at napaka-positibo ng feedback dito ng mga tagahanga ni Sarah, pati na rin ang mga follower ng singer/actress sa kanyang social media accounts.

Sa Pinoy version na idinerehe ng veteran filmmaker na si Bb. Joyce Bernal, kasama sa cast bilang leading men sina Xian Lim at James Reid.

What makes it extra interesting is the fact that bago sa paningin ng mga tagahanga ang tambalan nina Sarah, James at Xian.

Sa original version nito sa Korea in 2014, “Miss Granny” was topbilled by Eun-kyung shim, mula sa direksyon ni Dong-hyuk-Hwang, kung saan nanalo pa ng best actress ang lead star ng pelikula sa Baek Sang Art Awards.

Nu’ng April 20, 2018, ine-release ng Viva ang first teaser ng “Miss Granny” at agad itong pumatok sa netizens. Lalong na-excite ang Popsters, tawag sa fan club ni Sarah, nang ilabas ang full trailer ng movie last July 21.

“Miss Granny” is a co-production venture ng Viva Films ni Boss Vic del Rosario at N2 Productions ni Neal Arce. The film also stars Nova Villa at nakatakda itong ipalabas sa August 22.

Sarah’s last film was in 2017 titled “Finally Found Someone” with John Lloyd Cruz bago ito tuluyang nagpahinga sa showbiz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?