By

Full audit muna bago maintenance provider sa MRT – Nograles

Sharing is caring!

Dapat munang magsagawa ng full system audit ang Department of Transportation (DOTr) sa buong MRT bago kumuha ng bagong maintenance service contractor.

Katuwiran ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles, balewala kahit magkaroon ng bagong maintenance provider kung hindi pa naman alam kung gaano kabigat ang problema ng MRT 3.

Ayon kay Nograles, bagama’t suportado niya ang hakbang ni Transportation Sec. Arthur Tugade na maghanap ng opsyon ng grupong magti-take over sa maintenance ng MRT 3 matapos kanselahin ang kontrata sa Busan Universal Rail Inc. (BURI), kailangan munang kumuha ang kalihim ng reliable data sa mga problema na kailangan ng agarang aksyon para sa rehabilitasyon ng pasilidad.

“The DOTr should conduct a full system audit first! Hindi ko alam bakit inuuna ni Sec. Tugade ang paghahanap ng kontratista kung di pa nila alam gaano kabigat ang problema ng MRT3,” punto ni Nograles.

Ginawa ni Nograles ang pahayag matapos sabihin ng DOTr na pipirma ang Japan at Pilipinas sa government-to-government agreement na magbibigay daan sa pagtake over ng Sumitomo Corp. at technical partner nitong Mitsubishi Heavy Industries sa maintenance works para sa MRT3.

Ipinaliwanag ng mambabatas na importante ang audit bago ang takeover para malaman rin kung sino ang may kasalanan sa mga sira at nawawalang piyesa ng mga tren.

“What are the short-term fixes that would at least reduce the glitches? Do they need to replace all the tracks in the long term to ensure the full rehabilitation of the entire system? If the Government will not conduct a system audit and just award a Contractor, the sins of all previous contractors will be whitewashed,” paliwanag ni Nograles.

“Sa lahat ng takeover, ang pinakaunang dapat gawin ay Audit. Kung walang audit, di natin alam sino ang may kasalanan ng mga defects at missing parts. That is simple due diligence that the Government must execute. That is just common sense,” dagdag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?