17

Jul 4, 2022 @ 23:17
By

Fuentes pinasiklaban Imus

Mga Laro ngayong Martes (Nueva Ecija Coliseum)

5 pm – Makati vs Bacoor

7 pm – Pampanga vs Caloocan

9 pm – Laguna vs Nueva Ecija

Sa likod ng 21 points ni Judel Fuentes, nilampaso ng San Juan Knights Go for Gold ang Imus City Bandera 86-57 sa OKBet 4th Maharlika Pilipinas Basketball League 2022 regular season game sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga Lunes ng gabi.

Ang second straight victory ng Knights ang nagpabuhol sa kanila ng Pampanga Giants Lanterns sa North Division fifth spot sa overall 3-2 win-loss record.

Pumukol naman ng 17 markers kalakip ang 5 rebounds at 4 assists si Joaquin Mariano ang pulbusin din ng Manila Stars ang binyagan pa lang na Muntinlupa Cagers, 103-74.

Sampa sa pangsiyam ang Stars sa 2-5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?