109

By

Fuel surcharge ng eroplano, isasama sa pasahe ng mga mananakay

Sharing is caring!

Good bye promo fares!

Matapos ang masusi umanong pag-aaral, pinayagan ng Civil Aviation Board (CAB) ang mga airline company na magpataw ng fuel surcharge sa kanilang mga pasahero.

Ayon kay Transportation Undersectary for Aviation Manuel Antonio Tamayo, dahil dito, magtataas ang pamasahe sa eroplano.

Sa fare matrix ng CAB, pwedeng tumaas ng P34 hanggang P800 pesos ang dagdag na pasahe sa domestic flights.

Sa international flights, maaring tumaas ang pamasahe sa P163 hanggang P8,000.

Kapag long haul gaya ng pagpunta sa America o sa United Kingdom, pwedeng tumaas ng P1,500 hanggang P10,000 ang pamasahe.

Ayon kay CAB executive director Carmelo Arcilla, pwedeng tanggalin muli ang fuel surcharge kapag ang $90 kada bariles na aviation fuel ay bumaba muli sa $70 dollars

Noong 2014, tinanggal ang fuel surcharge nung bumaba ang aviation fuel sa $67 kada bariles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?