51

By

Fuel excise tax suspension, tuloy pa rin – DOF

Inanunsiyo ng Department of Finance na pinag-aaralan na ang rekomendasyon na suspendihin sa pagpasok ng bagong taon ang dagdag excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ngunit nilinaw ni Finance Asec. Tony Lambino, na hindi pa rin nababago ang kanilang inanunsiyo noong Oktubre na hindi muna ipatupad ang dagdag buwis.

Ayon kay Lambino, ang pag-aaral nila sa rekomendasyon ay bunga ng pagbagsak ng halaga ng langis sa mga pandaigdigang pamilihan.

Sa nakalipas na pitong linggo, sunod-sunod ang pagbaba ng halaga ng krudo at gasolina.

Ang planong pagsuspinde sa fuel excise tax ay nag-ugat sa paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo, na nakadagdag sa 10 buwan na mataas na inflation rate sa bansa.

Nakasaad sa TRAIN Law na kapag umabot sa $80 ang kada bariles ng Dubai crude ay maaaring suspendihin ang dagdag buwis, ngunit bumagsak sa pinakamababang $55 ang halaga ng kada bariles ngayon ng langis.

Simula noong Enero, nasa P66 bilyon ang nakolekta ng gobyerno mula sa pagpapatupad ng tax reform package ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?