53

By

Fuel excise tax, ibabasura ng Senado ‘pag tablado sa Kamara – Angara

Sharing is caring!

Nakatitiyak si Senador Sonny Angara na ipababasura ng Senado ang batas na nag-utos na taasan ang excise tax ng petrolyo.

Ito ay kapag ipinabasura ito ng Kamara.

“Ako kumpiyansa ako na kapag ipinasa ng House ‘yan, ipapasa din ng Senado. Basta ang usapin ay sa buwis, kailangan magmula ‘yan sa Kamara de Representante. So once ipinasa nila, I’m sure mabilis ang aksyon ng Senado diyan at ng komite,” pahayag ni Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means.

Sa Konstitusyon, kailangang maunang magdesisyon ang Kamara sa mga panukalang batas ukol sa buwis.

Tinatalakay na sa committee level ng Kamara ang panukalang pigilan ang muling pagtataas ng buwis sa petrolyo.

Batay sa TRAIN Law, nakatakda itong dagdagan ng P2 kada litro sa 2019 at bukod pang P2 sa 2020.

“Once inaksyunan po yan ng Kamara sa ilalim ng Saligang-Batas, sa palagay ko mabilis ang magiging aksyon ng Senado. We will act on it immediately. aaksyunan namin yan kaagad,” dagdag ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }