46

By

FT ni Gasol nagsalba sa Grizzlies kontra Spurs

Pinutol ni Marc Gasol at ng Memphis Grizzlies ang pitong sunod nitong pagkatalo kontra San Antonio.

Naipasok ni Gasol ang dalawa niyang free throws may 0.7 na lang na nalalabi sa orasan para itumba ng Memphis ang Spurs, 104-103.

Ayon kay Mike Conley, na may tinipong 30 points para sa Grizzlies, espesyal umano ang kanilang panalo dahil matagal na silang hindi nananalo sa Spurs.

Huli nilang napataob ang San Antonio noong Dec. 17, 2014.

Tumapos na may 24 points para sa San Antonio si guard DeMar DeRozan kabilang na ang fadeaway 15-footer may 1.2 segundong nalalabi para iabante ang Spurs 103-102.

Mula sa inbound pass, nakakuha ng foul si Gasol kay Rudy Gay kung saan naipasok niya ang dalawang free throws.

Sablay naman ang subok sa 3-point shot ni LaMarcus Aldridge sa pagtunog ng buzzer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?