79
nbi
Dec 1, 2018 @ 14:15
By

Frustrated murder vs 4 pulis, isinampa ng NBI

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of the Ombudsman ng frustrated murder ang apat na pulis mula sa Quezon province dahil sa pag-salvage umano sa isang hinihinalang magnanakaw.

Kinilala ang mga respondent sa kasong isinampa ng NBI Lucena City District Office na sina SPO4 Wilson Villegas, SPO3 Noel Malabayabas, SPO2 Ryan Nobo at PO2 Jhaymar Espedido, maging ang kasama ng mga itong si Franklin Pareja.

Batay sa reklamong isinampa ng NBI, ayon na rin sa testimonya ng biktimang pedicab driver na si Roger Herrero Jr., binaril siya noong Nobyembre 1 sa kaliwang bahagi ng kanyang mukha na bumasag sa kanyang baba.

Depensa ng mga akusadong pulis, nakipagbarilan umano sa kanila si Herrero pero pinabulaanan ito ng mga residente sa isang magubat na lugar sa bayan ng Atimonan kung saan umano dinala ng mga suspek ang biktima. Anila, walang nangyaring engkuwentro.

Kuwento ng biktima, dinala siya sa magubat na bahagi ng Atimonan kung saan siya binaril nang malapitan.

Matapos ay nagkamalay siya at nagawang makalakad patungong kalsada kung saan siya na-rescue.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?