9

Mar 4, 2021 @ 18:23
By

Frontliner din daw: Duterte gusto na pabakunahan gabinete

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabakunahan laban sa coronavirus ang mga miyembro ng kanyang gabinete dahil kinokonsidera niya ang mga ito bilang frontline worker.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nagtatanong na ang Pangulo kung kailan mababakunahan ang kanyang gabinete pero kailangan pa nila itong ikonsulta sa National Immunization Technical Advisory Group (NITAG).

Dagdag ni Nograles, nag-aalala lang para sa kanila ang Pangulo dahil masyado silang exposed sa virus sa dalas na pagpunta sa sabay-sabay na ceremonial inoculation.

“Masyado kami exposed kaya nag-aalala lang si Pangulo. We will refer the matter to the NITAG and ask for them to consider looking at the possibility kung maaari ‘yung mga Cabinet members lalo na iyong pinaka-exposed might be inoculated as well,” ani Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?