47

By

Frontline ng San Miguel, pinaangas lalo ni Nabong

Sharing is caring!

Tumibay pa ang dati nang malakas na frontline ng San Miguel Beer sa pagdating ni Kelly Nabong.

Mula GlobalPort, tawid sa SMB ang brusko at enforcer na si Nabong kapalit ni Gabby Espinas.

Inaprubahan ni Commissioner Willie Marcial ang one-on-one trade na sinahugan ng second round pick ng Beermen sa 2020 draft.

Idadagdag ang Fil-Am power forward na si Nabong sa halos hindi na matibag na frontline ng San Miguel kina four-time MVP June Mar Fajardo, Arwind Santos at rookie Christian Standhardinger, idagdag pa si import Renaldo Balkman.

Galing Meralco ang 29-anyos na si Nabong, pinakawalan sa Batang Pier noong nakaraang season dahil hindi sila magkasundo ng noo’y assistant coach ng Bolts na si Jimmy Alapag.

Ang 36-anyos na si Espinas ay balik sa GlobalPort na dati niyang pinaglaruan bago napunta sa San Miguel.

Agad winelcome ng SMB si Nabong.

“I think both parties will benefit from it, considering the short term and long term objectives of both parties,” pahayag ni SMB team manager Gee Abanilla.

Sunod na sasalang ang Beermen kontra NLEX sa June 23 sa Calasiao, Pangasinan. Sasagupain ng Batang Pier ang Columbian Dyip sa Smart Araneta Coliseum bukas (Hunyo 22).

May 4-4 kartada ang San Miguel mag-isa sa fifth spot ng PBA Commissioner’s Cup. Sa ibaba ang GlobalPort sa 4-5, kabuhol sa sixth-eighth ang Ginebra at Magnolia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?