149

Jul 23, 2018 @ 16:53
By

Froilan Saludar gagawa ng kasaysayan sa PH boxing

Naging matunog na ang pangalang Vic Saludar sa larangan ng boksing matapos niyang mapagtagumpayan ang WBO minimumweight title sa Japan noong July 13.

Gaya ng nakababatang kapatid, plano ring maging world champion ng Pinoy boxer na si Froilan Saludar.

Sa katunayan ay sasabak ngayong darating na Biyernes, July 27 si Froilan sa China para agawin ang WBO flyweight crown kay Sho Kimura ng Japan.

Sa pro boxing career ni Froilan, nakapagtala siya ng 28 wins, 2 losses, 1 draws at 19 wins by KO.

Nais ni Froilan na saluhan ang kapatid na si Vic bilang current world titleholders — na hindi pa nangyayari sa history ng Philippine boxing matapos mamayagpag ng Peñalosa brothers sa magkaibang panahon.

Nasa huling training dose na si Froilan sa General Santos City at nakatakdang lumuwas ngayong araw papuntang Maynila para sa flight ng team patungong Qingdao, China. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?