5

Jul 19, 2021 @ 19:57

Fried goto swak sa panlasang Pinoy

In at nag-click ngayon sa Panlasang Pinoy ang fried goto o lugaw na walang sabaw na pinipilahan na at nadiskubre ng isang restaurant.

Alam natin na ang goto o lugaw ay isang comfort food na masarap kainin lalo na kung malamig ang panahon, pero marami rin ang ayaw ng sinabawang kanin o lugaw kaya nadiskubre ng Goto Believe resto ang wet and dry goto.

Ayon kay Sandra Santiago, may ari ng Goto Believe, ilang kaibigan niya kasi ay hindi mahilig sa sabaw at mas type ang tapsihan kaya naisip nyang gawin ang fried goto.

Sa simpleng paraan ay iluluto ang goto sa lahok na laman loob ng baka at gagawa naman ng sinangag na lasang goto na level up na lugaw na may katernong ulam.

Bukod sa fried goto, nakaimbento rin sila ng Gologs” (goto at itlog), “Gosawlog” (goto-isaw-itlog), “Godulog” (goto-dugo-itlog), “Gorylog” (goto-cream dory-itlog), “Gongalog” (goto-tenga ng baboy-itlog), “Golaklog” (goto-chicharong bulaklak-itlog), “Gobitlog” (goto-bituka ng baboy-itlog) at marami pang iba at maaari din silang pumili kung dry o wet na goto.

Sinimulan nila ang Goto Believe sa garahe ng kanilang bahay at ngayon ay may tatlong branches na sila na kumikita ng P20,000 hanggang P30,000 isang araw sa bawat branch na kung saan ay nakaahon sila mula sa pananalasa ng pandemic. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?