19

French hotels, restaurants kapos sa manggagawa

Sharing is caring!

Umapela ang mga owner ng mga hotel at restaurant sa France sa gobyerno para i-regular ang mas maraming illegal migrants para mapunan ang 100,000 libreng trabaho sa kanilang hanay.

Ayon kay Roland Heguy, pangulo ng hotel industry body UMIH, kinakapos umano sila sa manggagagawa at hindi sila makahanap ng tao na pupuno sa nasabing mga posisyon.

Pinakamaraming bakante sa hospitality sector, partikular sa kitchen work at cleaning jobs na hindi attractive sa karamihan.

Sa pakikipagpulog sa gobyerno noong Hulyo, nanawagawan ang hotel industry sa Fench government na gumawa ng batas para sa mabilis na proseso sa pagkuha ng mga migrants.

Sabi ni Heguy, maaring silang mag-hire agad na 100,000 job contracts, kalahati sa kanila ay permanent positions at kalahati naman ay seasonal jobs.

Noong 2017, nakatanggap ang French government ng record na 100,000 asylum request, 17 porsiyentong mas mataas noong 2016.

Sa ilalim ng French law, ang mga refugees ay maari lamang magtrabaho kapag nakakuha na sila ng kanilang ‘claim for refugee status’. Subalit naibibigay lamang ito pagkatapos ng siyam na buwan.

Nitong nagdaang linggo, inaprubahan ang immigration bill kung saan ang waiting time ng mga refugees ay tatagal na lamang ng anim na buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: