437

By

KC Concepcion French producer ang bagong BF

Kumpirmadong boyfriend na nga ni KC Concepcion ang French film producer at businessman na si Pierre- Emmanuel Plassart.

Sa Instagram account ni Pierre, nag-post ito ng photo nila ng Kapamilya actress/TV host. Makikita sa photo na hinalikan niya si KC sa noo. Kuha ito sa harap ng Place Saint-Germain-des-Prés.

Simple at makahulugan ang caption dito ng boyfriend ng panganay na anak ng Megastar na si Sharon Cuneta.

‘Mon Coeur’ sa salitang Pranses at kapag trinanslate to Tagalog, ang ibig sabihin ay ‘My Heart’.

Kasalukuyang nasa Paris ngayon si KC to celebrate her boyfriend’s 36 birthday. Pierre was born August 29, 1982.

Si Shawie ang isa sa unang nag-like ng photo na pinost ni Pierre sa kanyang Instagram kung saan meron itong mahigit 13K plus followers.

Matatandaang sinabi ni Sharon sa isang interview na boto siya sa boyfriend ng kanyang panganay na anak.

Mauwi na nga kaya itong relasyon ni KC sa simbahan lalo na’t she’s already 32 years old at tila sabik na rin si Shawie na magka-apo?

Mon Cœur.

A post shared by Pierre-Emmanuel Plassart (@peplassart) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?