17

#FreeToLove: Closeup nagbigay-boses sa LGBTQ community

Sharing is caring!

Trending ngayong linggo ang naging mga commercial ng toothpaste brand na ‘Closeup’ na naglalayong ipakita ang mga pinagdaraanan ng mga nasa LGBTQ community.

Sa istorya ni Mark, isang gay, napilitan silang magkahiwalay ng kanyang partner na si Paul dahil sa pagtutol ng mga magulang nito at social pressure na nararamdaman.

“When your partner’s parents approve the relationship you’re having, that will be the hardest part,” saad ni Mark.

Makalipas ang 11-taon, gumawa ng paraan ang Closeup upang muling magkasama ang dalawa, na kita ang pagkasabik sa isa’t isa habang magkabisig ang mga kamay.

At dahil dito, marami ang natuwa at nagalak sa inisyatibo ng Closeup para ipakita ang mga problemang kinakaharap ng mga LGBTQ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?