345
#FreeLoonie: Ilang netizen gustong mapalaya ang Fliptop artist
Sep 19, 2019 @ 15:32
By

#FreeLoonie: Ilang netizen gustong mapalaya ang Fliptop artist

Pinalagan ng ilang netizen at mga tagasuporta ni Loonie ang pagkakadampot sa Fliptop artist sa isang buy-bust operation, Miyerkoles ng gabi sa isang condo sa Barangay Poblacion, Makati.

Ayon sa report ng Makati police, 15 pakete ng hinihinalang high-grade marijuana o kush ang nakuha kay Loonie, pati na rin sa mga kasamahan nito na sina David Rizon, Ivan Agustin, Albert Alvarez at nakababatang kapatid ng rapper na si Idyll Peroramas.

Sa larawang pinakita ng awtoridad, kinuwestiyon ng ilang netizen ang cellphone na nakumpiska sa drug ops dahil imposibleng isang low-class na mobile phone umano ang gamitin ni Loonie dahil sa malaking kita nito bilang artist.

Isa pang napansin ng mga netizen ang nasabat na marijuana sa buy-bust dahil hindi umano ito ‘kush’ base sa report ng mga pulis.

Kaya naman tingin ng ilan ay set-up umano ang nangyari kay Loonie, na pinalagan na rin ng Fliptop artist ang kanyang pagkasangkot sa iligal na droga nang makapanayam ng media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?