21

Oct 4, 2021 @ 19:07
By

Freedom of Information bill umusad na

Inaprubahan ng technical working group (TWG) ng House Committee on Public Information ang Freedom of Information bill.

Ayon kay Kabayan Rep. Ron Salo, ang nanguna sa TWG, ang panukala ay inaprubahan matapos ang apat na pagdinig.

“The passage of the FOI Law will empower our people to contribute to nation-building, good governance, and public accountability. The passage of the FOI Law is another step towards a more informed citizenry and progressive Filipino nation,” sabi ni Salo.

Sinabi ni Salo na mahalagang proteksyonan ang right of privacy habang hinahayaan ang pagdaloy ng impormasyon.

Sa ilalim ng panukala ay itatayo ang FOI Commission na siyang mangangasiwa sa pagtiyak na nasusunod ang mandato ng batas kaugnay ng impormasyon na dapat isapubliko.

“Different iterations of the FOI Bill have been filed in prior Congresses, going as far as passing on Third Reading during the 14th Congress. However, it failed to become a law. This 18th Congress, we hope that we can finally pass this landmark legislation,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?