31

By

Free throws ni Garcia, 2 pa nagligtas sa EAC

Sharing is caring!

Kumapit ang Emilio Aguinaldo College Generals sa mga foul shot sa endgame upang payukuin ang Mapua University Cardinals 89-85 kanina sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina Jerome Garcia, Sean Neri at Renz Gonzales upang ilista ang pinagsamang limang free throws sa huling dalawang minuto ng laban upang tulungan ang Generals na ikahon ang second win.

Unang tinibag ng Generals ang San Sebastian College, 79-77 sa overtime, lumasap muna sila ng apat na sunod na talo ngayong season.

Nirehistro ng EAC ang 20 of 28 free throws sa laban.

“Actually, that game, our free throw was a disaster and we really worked hard on it every day and we’re really thankful that our hard work is paying off,” patungkol ni EAC coach Ariel Sison sa talo nila kontra Arellano University.

Kumayod si Cameroonian Hamadou Laminou ng 17 points, 12 rebounds at game-high six blocks para sa Generals, sa ipinakitang niyang laro, nakarekober na siya sa ACL (anterior cruciate ligament) injury.

“I’m not 100 percent, my hamstring still hurts a bit,” saad ni Laminou. “But there’s no excuse for us not to play better and I just need to play smart and help in defense because I know we have scorers in the team.”

Namuno sa opensa para sa Cardinals si Noah Lugo matapos ilista ang game-high 24 points, nalasap nila ang panglimang talo sa pitong laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?