63

Oct 31, 2017 @ 17:27

Free HIV test sa sementeryo, dinagsa ng Manileño

Nagbigay ng libreng HIV o Human Immunedeficiency Virus Testing ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila para sa mga nagsipagtungo sa Manila North Cemetery bisperas ng Undas.
Sa Bungad  pa lamang ng Sementeryo del Norte ay may nakatalagang tent ng Manila City Health Office kung saan isinasagawa ang  libreng HIV test.
Sinamantala naman ng ilang miyembro ng LGBT o Lesbian Gay Bisexual and Transgender Community ang Testing.
Paliwanag ni Angelo Dogillo, HIV Counsellor ng Manila Health Center, noon pang nakaraang UNDAS 2016 nang umpisahan nila ang libreng HIV test sa Sementeryo.
Aniya, 200 indibidwal ang sumailalim sa HIV test kung saan apat ang nag-positibo.
Nagpaalala din sila sa publiko na maging resonsable sa pakikipagtalik. (Ricklove Villanueva)
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?