109

By

Freddie Aguilar walang takot sa China sa WPS issue

Sharing is caring!

Para kay senatorial hopeful Freddie Aguilar, hindi dapat mangamba ang mga Pinoy sa China pagdating sa West Philippine Sea.

Ayon sa panayam sa Dobol B sa GMA News TV, inilahad ng musician na wala sa kasaysayan ng bansang China ang pagkamal ng mga lupa.

“Ang maganda po sa China, wala po silang record ng pangangamkam ng lupa na may lupa, so hindi po ako natatakot sa Chinese,” pakli ni Aguilar.

Ngunit pinabulaanan naman ito ng Magdalo representative at tatakbo ring senador na si Gary Alejano, sinabing ang pagbakod ng China sa Scarborough Shoal ay indikasyon ng pananakop ng bansa.

“Walang history ang China na pananakop? Itong pagkukuha ng ating Scarborough Shoal at ating Spratlys, yan ang history, yan ang pananakop sa atin,” ayon kay Alejano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?