239
Freddie Aguilar rumesbak kay Diokno, tinawag na ‘j-o-k-e-n-o’
Apr 2, 2019 @ 19:13
By

Freddie Aguilar rumesbak kay Diokno, tinawag na ‘j-o-k-e-n-o’

Binanatan ni singer at composer Freddie Aguilar si Otso Diretso senatorial bet Chel Diokno sa pahayag na hindi karaoke bar ang Senado para mag-concede siya sa una.

Sa panayam kay Aguilar ng CNN, sinabi nitong isa siyang artist at ikinukonsiderang intelektuwal at tinawag pang “jokeno” ang abogado.

“Si Diokno, J-O-K-E-N-O, hindi niya alam ang sinasabi niya. He is a joke. Hindi niya ma-differentiate ang karaoke at saka art,” saad ng singer.

Kinuwestiyon din ni Aguilar ang nagawa ni Diokno para magpantay ang batas para sa mahirap at mayaman.

Matatandaang nag-react si Diokno nang ikumpara siya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Aguilar.

Handa umano si Diokno na mag-concede kay Freddie Aguilar pero sa larangan lang ng pagkanta.

Inaamin umano niya na mas magaling sa kanyang kumanta si Aguilar pero sa Senado naman ay hindi pagalingan sa pagkanta ang trabaho kundi ang paggawa ng batas.

“Aaminin ko naman na mas magaling kumanta si Freddie Aguilar kaysa sa akin at papayag sana ko dun sa sinasabi niya, kung ang Senado ay isang karaoke bar,” ani Diokno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?