117

Feb 21, 2020 @ 19:09
By

Frankie Pangilinan nakakatanggap na ng death threat

Binunyag ni Senador Francis Pangilinan na dahil sa pagiging “outspoken” ay nakakatanggap na ng mga pagbabanta ang kanyang panganay na si Frankie.

Sinabi ito ng senador sa ginanap na “International Forum on Lawfare: Weaponizing Law vs. Democratic Dissent” nitong Biyernes, Pebrero 21 sa De La Salle University.

Ani Pangilinan, maliban sa pangba-bash sa 19-anyos niyang anak, nakakatanggap na rin ito ng mga death threat dahil sa pagbibigay ng opinyon sa mga national at social issue.

“Frankie has been subjected to bashing, trolling, even death threats because of her outspokenness in the last several months. But I guess she is her father’s daughter. But in her, I see the hope,” wika ng senador.

“In her, I see that there is hope for our nation. Among you, the young people, students, and youth, you will take up the cudgels and defeat tyranny and abuse,” dagdag pa niya.

Nanawagan naman si Pangilinan sa mga Pilipino na huwag matakot magsalita para sa demokrasya.

“We are all participants in this democracy. We must stand up. We must have our voices heard. We must speak out,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?