145
Abante-TnT-vilma-santos
Oct 15, 2019 @ 17:23
By

Franchise renewal ng ABS-CBN pinaubaya na ni Vilma Santos-Recto sa kapwa mambabatas

Bahala na umano ang mga kapwa niya kongresista na magpasya tungkol sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN Corporation, ayon sa isa sa naghain ng panukala hinggil dito na si House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto.

“Ang sabi ko nga, let’s wait for the action of the Committee on Legislative Franchise regarding ABS-CBN renewal, when we go back this November,” anang beteranang aktres sa Inquirer report.

“I leave it to the sound discretion of my colleagues in Congress,” dagdag pa niya.

Si Santos-Recto ang isa sa limang naghain ng bill para sa franchise renewal ng ABS-CBN na mag-e-expire sa Marso 30, 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?