13

By

France versus Croatia, Mbappe kontra Modric

Sharing is caring!

Walang Lionel Messi o Cristiano Ronaldo pero sigurado pa ring patok ang bakbakan ng France at Croatia sa 2018 World Cup final Linggo sa Luzhniki Stadium sa Moscow.

Inaasahang aabot ng 81,000 ang actual attendance sa venue, bilyon pa ang manonood sa television. Walang duda, ang World Cup final ang single biggest sporting spectacle sa buong mundo.

Pagkatapos ng 90 minutes na regular match, dagdag ang injury time at posible pang extra time at penalties, isang team na ang magtataas ng Jules Rimet trophy at kokoranahan bilang World Cup champion.

France, Germany at Brazil ang tatlong leading favorites bago nagsimula ang World Cup. Liyamado ang Les Bleus na makarating sa finale at manalo.

Napadpad sa Group D ang Croatia kasama ang Argentina ni Messi, Nigeria at Iceland. Wala nga halos nag-akala na papasok ng round of 16 ang Croats. Dinomina ng Croatia ang Argentina 3-0 sa group stage.

Pinag-impake ng France si Messi at ang Argentina 4-3 sa last 16. Sa semis, sinipa ng Croatia ang England 2-1.

Ang 19-anyos na si Kylian Mbappe ang lumutang na pinakamaangas na player ng France sa torneo. Siya ang nagbukas ng scoring kontra Argentina, siniguro ang panalo sa dalawa pang second-half goals.

Ang Croatia ay may Luka Modric, ang midfielder na nagmando sa atake ng team. May 2 goals at 1 assist lang siya sa torneo, pero hindi matatawaran ang liderato.

France vs. Croatia, Mbappe vs. Modric. Isa lang ang matitirang nakatayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?