68

Jun 19, 2021 @ 10:47
By

France tutulungan ‘Pinas sa cable car system

Handa ang France na tulungan ang Pilipinas para sa unang urban cable car system nito.

Ayon ito kay French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz.

Aniya, may malakas na kaalaman ang France sa kasaysayan ng transportasyon.

“And is very willing to support policies and projects aiming at building more efficient, and also sustainable infrastructure,” lahad ni Boccoz sa panayam sa CNN Philippines.

Bago nito ay pinondohan na ng French government ang feasibility study para sa proyekto noong 2018.

Taong 2019 napaulat na target maglagay ng mass cable car system mula LRT-2 Santolan Station sa Marikina City patungong Ortigas Business District sa Pasig.

Naniniwala si Boccoz na kapag nangyari ito, mababawasan ang travel time ng libo-libong pasahero sa National Capital Region at mapapaluwag ang trapik sa kalsada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?