40

Jun 23, 2020 @ 21:05

Frabelle pinuntirya ni Cynthia Villar

Hiniling ni Senador Cynthia Villar sa Department of Environment and Natural Resources na bawiin ang ibinigay na environment compliance certificate (ECC) sa 320 ektaryang Bacoor reclamation project ng Bacoor City government kasama ang may-ari ng Frabelle Fishing Corporation.

Ayon sa senadora, kailangan itigil ang naturang proyekto dahil magreresulta ito sa pagwasak ng legislated protected area at matinding pagbaha sa mga komunidad na nakapaligid sa Manila Bay.

“The reclamation project will potentially cause irreparable damage to the Las Pinas-Paranaque Wetland Park,” sabi ni Villar.

Sa ilalim ng Republic Act 11038 o Expanded National Integrated Protected Areas system Act o E- NIPAS Act, ang 175-hectare Las Pinas-Paranaque Wetland Park ay nakadeklarang protected area.

Isa rin ito sa pitong lugar sa Pilipinas na nakatala sa Wetland of International Importance ng Ramsar Convention dahil ito’y may mahalagang tungkulin sa kaligtasan sa panganib, restricted-range at congregatory bird species.

Kung matutuloy ang proyekto, maari umanong magdulot ng walong metrong pagbaha sa Las Pinas City.

“Our government has already poured precious resources into this campaign and many have already sacrificed to comply. Are we now losing the battle for Manila Bay?” dagdag nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?