322

Jun 21, 2018 @ 19:20
By

Fr. Reyes sa Simbahan: Bibliya at rosaryo dapat, hindi baril

Hinihikayat ni Fr. Robert Reyes ang pamunuan ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na tutulan ang pagdadala ng baril ng ilang alagad ng simbahan.

Sa misa na kanyang isinelebra para sa mga napatay na sina Fr. Richmond Nilo, Fr. Nilo Paez at Fr. Mark Ventura, sinabi ni Reyes na dapat ay pagsabihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pari hinggil sa pag-aarmas.

Giit ni Reyes, dapat ay sumandal at manalig ang mga pari sa Bibliya at rosaryo para sa kanilang proteksyon.

Ibinahagi pa nito na may mga pari ang naging bisyo na ang pangongolekta ng mga baril at may mga nahilig na rin sa firearm shooting.

Pagdidiin nito, labag sa itinuturo ng simbahan ang pag-aarmas ng mga pari.

Kahapon ibinunyag ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na 246 pari, pastor at ministro ang may aplikasyon sa kanila para makapagdala ng baril sa labas ng simbahan o sa kanilang tahanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?