22

Apr 29, 2021 @ 14:52
By

Fourth Solomon tatay na

Magulang na si dating “Pinoy Big Brother” housemate Fourth Solomon at ang kanyang modelong partner na si Grizella Gratela.

Isinilang ni Grizella si baby Robert Gavin noong Abril 26 ng hapon.

“Hello Mommy @grizellegratela and baby @robertgavin_ Mwah mwah! Love you guys,” sey ni Fourth sa Instagram kalakip ang larawan ng mag-ina niya.

Sinabi naman ni Grizella na worth it ang kanyang labor pain sa kanilang panganay.

“My answered prayer. Worth it of all the labor pain.
I love you my son @robertgavin_,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?